At Kung Bibirit…

Medyo late na ata pero Happy New Year pa rin para sa mga nagbabasa sa humble blog na to. Hanggang ngayon siguro meron pa ring mga nagpaparty diyan noh? Dito kasi meron pa. Ang ingay nga eh.

Pagising ko kaninang tanghali, akala ko may rally dito samin at merong sumisigaw sa megaphone. Yun pala nagkakaraoke yung kapitbahay. Bwis-het. Okay lang naman sana at baka pwede pa nga kaming makisabay sa pagkanta, kaso minsan lang tumama sa tono, nagkakamali pa ng letra, sobrang wala sa timing, tapos abot hanggang seminaryo sa lakas ng volume.

Hindi pa kami imbitado sa party. Yun yung masakit dun eh. Happy Birthday ang naririnig kong bati nila. Sino kaya yung may pakana ng kaguluhang ito? “Happy Birthday Chairman” daw.

Hanggang ngayong gabi na tuloy pa rin sila sa pagwewelga, este pagkakaraoke. Sana mapaos na sila para tumigil na, para managinip naman ako ng maganda.

Eniwey 2013 naman eh. Year of the Snake. Sana maging maganda ang taon na to para sa ating lahat! Tsaka okay ba yung blog address natin? Parang medyo mahaba kasi eh haha.

Walang 13-13-13. Yay!
Walang 13-13-13. Yay!
The following two tabs change content below.
Profile photo of Jerem

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

Be the First to Comment!

Notify of
avatar
wpDiscuz