Blogspot vs. WordPress

Nagsimula akong maging blogger sa Blogspot, pero ngayon, obviously, WordPress na ang ginagamit ko para magpasikat sa online. Minsan nababasa ko rin ang tungkol sa Tumblr, pero para sakin ay hindi siya pwede para sa professional blogging. Well, hindi naman professional ang blog na to pero, eniwey…

Blogging can work as a career, a hobby, or both. I made Jeepney Psychology to serve as a pastime but soon I’m sure it can generate income as well if I maintain the site. Maraming tao ang gustong subukan ang galing nila sa blogging, at para sa mga gagawa pa lang ng una nilang blog, ano nga ba ang mas maganda: Blogspot o WordPress?

Blogspot

Simple and Recognizable
Simple and Recognizable

Pros:

User-friendly

Konti lang ang mga dapat mong pindutin sa Blogspot kaya naman madali lang i-manage lalo na kung wala ka pang masyadong alam about blogging. Madali lang magset-up ng blog, madali magpost, madaling i-manage. Actually nagawa kong magmaintain ng 3-4 different blogs at the same time, kaso mali pala yun.

Adsense

May sariling advertisement plug-in ang Google, kaya on the spot ay pwede ka agad kumita ng dolyares, kaso wag mong asahang overnight lang ang pera. Medyo matagal bago ka makabili ng kahit burger man lang sa monthly income mo through adsense.

Customizeable Template

Para sa mga gusto na personalized ang lahat ng bagay na meron sila, pwede mong i-edit ang source code ayon sa iyong preference. Kung hindi ka marunong, marami nang Templates na available sa internet na pwede mong gamitin.

Google Searchable

Siguro dahil Google ang may-ari or something, pero mas maraming nakakakita ng Blogspot ko kesa WordPress. Oh mas maayos lang siguro ako magsulat dati.

Cons:

Bad Technical Support

Kung may problema sa blog mo na hindi mo masolve mag-isa, kung hindi mo kaya maghintay ng ilang buwan para sa support ay bigyan mo na ang blog mo ng disenteng libing.

Solitude

Google + ang kumbaga Social Networking ng Google, at wala kang makikitang tao dun. Hindi rin ganun kadali ang pagpapakalat ng blog mo for example sa FB or Twitter.

 

WordPress

Kung magsesearch ka ng images, mas astig ang sa WordPress
Kung magsesearch ka ng images, mas astig ang sa WordPress

Pros:

Great UI

Depende sa experience mo with blogging ay pwedeng malito-lito ka or ma-inlove sa User Interface ng WordPress. Nasa dashboard lahat ng kailangan mong makita kaya mas madali kung may gusto kang baguhin sa blog mo.

Great Templates

Ang gamit ko ngayon ay The Columnist, at so far ito ang pinakamagandang Theme na nagamit ko sa mga blogs ko. Marami pa akong nakitang maganda kaso kailangan pa bilhin.

Easy Exposure

Unang una, maraming ibang WordPress users ang makakabasa ng new posts mo depende sa category nito. Sunod, may plug-ins para ang new posts mo ay lumitaw din sa Facebook, Twitter, Yahoo, at iba pa.

Good Technical Support

Kumpara sa Google, mas helpful ang staff ng WordPress. Kung may problem ka or may bagong gustong matutunan, nadiscuss na yun sa forums.

Cons:

Investment

Sa pagkakaintindi ko, hindi ka kikita sa WordPress hangga’t hindi ka gumagastos. AdWords lang ang paraan para kumita, at kailangan mo muna maginvest ng minimum of $18 para magamit yun. Bawal ang 3rd-party ads tulad ng adsense, nuffnang, etc.

Spam

Ewan ko pero ang daming tao bibisita lang sa site mo para bisitahin mo din sila. Okay siguro ang ganito pero kung pareho lang kayo ng interests, or at least ng language.

Mas matagal akong gumamit ng Blogspot, pero mas nageenjoy ako ngayon sa WordPress. Siguro dahil hobby na lang ang turing ko sa blogging kaya ganun. Hindi na rin ako mag-isa sa pagba-blog kaya mas nakakasipag na magsulat. Eniwey if you are just about to start a blog, I recommend WordPress because of its functionality and more exposure, but earning money is easier with Blogspot so it still depends on your objective.

The following two tabs change content below.
Profile photo of Jerem

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

2 Comments on "Blogspot vs. WordPress"

Notify of
avatar
Sort by:   newest | oldest | most voted
Jury
Guest

Pero mas maganda talaga pag self hosting ka sa wordpress. Ako gamit ko self hosting

Grazyna
Guest

This is a comment to the admin. Your website is missing out on at least 300 visitors per day. I came to this page via Google but it was difficult to find as you were not on the first page of search results. I have found a website which offers to dramatically increase your traffic to your website: http://voxseo.com/traffic/. I managed to get over 10,000 visitors per month using their services, you could also get lot more targeted traffic than you have now. Hope this helps 🙂 Take care.

wpDiscuz