GENTLEMAN: Ang bagong pauso ni PSY

Matapos ng super smash hit ni PSY na “Gangnam Style” na may higit na 1 Billion views sa youtube, lahat halos eh nag-aabang ng susunod nyang pauso. At eto na nga, after ng ilang buwang pag-aabang, nirelease na ni PSY ang MV ng isa sa mga panibago nyang kanta. GENTLEMAN ang title nito and here’s the link para sa mga gustong panuorin ang Official MV https://www.youtube.com/watch?v=ASO_zypdnsQ.

Lively pa din ang beat ng kanta gaya nung sa Gangnam Style. At kahit di ako Koreano ay maiintindihan ko ‘yung ibig sabihin ng MV nya. Umiikot lang naman yung MV sa pangti-trip nya sa iba’t- ibang tao at pagtawa sa kanila matapos nyang mantrip. Natutuwa naman ako sa MV nya dahil sa mga kalokohan nya lalo na dahil sa mga sexy  girls na fini-feature sa MV pero ewan ko ba, mas gusto ko pa din ang Gangnam Style. Siguro mahirap nga lang talagang higitan yung success na naabot ng Gangnam Style kaya nag-eexpect ang masa ng mas mabangis na single mula kay PSY. Pero malay mo baka sa paulit- ulit na pagpapatugtog neto ay maging favorite ko na rin sya.

Anyways, maganda naman yung kanta at MV pero sa tingin ko hindi na-meet ni PSY ang sobrang taas na expectations ng masa and tingin ko hindi mabubura ng single na ito ang hype na dulot ng Gangnam Style. Pero sana maging hit pa din etong bagong single nya. Kayo, ano sa tingin nyo?

I’m a MATOFADO GENTLEMAN!
The following two tabs change content below.
Profile photo of Jerem

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

Be the First to Comment!

Notify of
avatar
wpDiscuz