Jeepney Seat Positioning

Yung mga jeep na sinasakyan ko eh kasya ang dose katao bawat side. Sa Maynila kadalasan waluhan lang, siguro dahil sa sobrang dami nang jeep dun. Yung mga dosehan na jeep medyo mas mahirap punuin ng pasahero, puspusan pang magsisisigaw yung barker para mapilit kang sumakay sa jeep na nakontrata na nila.

Kung maluwag pa ang jeep, san ka sumasakay? Malapit ba sa driver, malapit dun sa babaan, oh sa bandang gitna? Dun ka ba sa kaliwa o kanang side ng jeep? Jeepney Psychology through observation to at walang scientific studies na magpapatunay pero eto ang mga masasabi tungkol sa iba’t ibang jeepney positioning.

Minsan lang ang mga babae na umuupo malapit sa dulong likod dahil sa mga sabit na maaamoy mo ang kili kili lalo na kung byaheng pauwi ka na. Usually yung mga tao sa likod ay yung mga tamad dahil pagkaabot nila ng bayad ay wala na silang poproblemahin at pwede na silang matulog sa munting espasyo sa dulo ng jeep. Hindi na sila lilingon kapag may nagsabi ng “bayad po, makikisuyo lang” kasi dulo na nga sila. Therefore dito yung mga “tamad.”

Yung mga sumasakay malapit sa driver, yan yung mga pinakamalayo ng bababaan. Yung sinasakyan ko na jeep araw araw ay 26 pesos ang bayad kung dulo-dulo ang biyahe mo, at mahigit isang oras na biyahe yun pag walang trapik. Minsan din naman, yung mga umuupo sa dulo ay yung mga maraming bagahe kaya dun sila dulo para walang maabala yung mga luggage nila. Eto yung pwesto ng mga tao na “always busy” kasi napakalayo pa lagi ng binabyahe tapos kung ano ano pa yung dala. Ilan sa mga example ng malalaking dalahin na nakita ko sa jeep ay:

  • Lalagyan ng taho.
  • Dalawang timba ng kasuy.
  • Basket, hanger, at mga electric fan.
  • Box ng CPU. Ang laman manok na panabong.
  • Mga damit na nakalagay sa bag na kasinlaki ng kalahati ng ref. Paninda siguro.
  • Upuan. Dun na umupo yung may-ari kasi siksikan na.

Meron din namang gustong nakaupo sa tabi ng driver (pag walang konduktor), yun kasi ang pinakakomportableng passenger seat kung marunong magtawas yung driver. Dalawang pasahero at yung driver ang kasya sa harapan ng jeep pero kahit tatlo kayo dun ay maluwag pa rin kaya ang upuan na yon ay para na sa mga maituturing na “maarte.” Pag chix ka naman, dun ka na papaupuin ng driver sa tabi niya kahit kasya pa dalawa sa likod, kasi nga chix ka.

So ilan yan sa mga usual jeepney seat positioning na naoobserve ko. Hindi yan 100 percent na accurate, siguro mga 25% lang (awts ang baba naman pala ng accuracy), pero yan ang naoobserve ko sa araw araw. Trip trip lang yan mga dre ah wag niyo dibdibin yan haha. Ako trip ko umupo sa dulong likod eh 🙂

The following two tabs change content below.
Profile photo of Jerem

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

Be the First to Comment!

Notify of
avatar
wpDiscuz