Nag-eexpect ka ng Mataas? Wag, Itigil Mo Yan

Export to PDF | Export to DOC

An-expectation-plays-with-you-and-your-life

Mabigat na feeling ang disappointment. Siguro nagugutom ka, tapos pagtingin mo sa lamesa puro gulay lang ang nandun samantalang nageexpect ka ng fried chicken. Siguro nagbayad ka ng 300 para sa movie tapos paglabas mo naisip mo na sana hinintay mo na lang siya sa torrent. Siguro iniisip mo na may gusto rin siya sa’yo pero ang tipo pala niya yung isa niyong classmate na magaling kumanta, sumayaw, at maganda pa ang katawan. Edi nakasalampak ka ngayon?

Sa mundong ito, napakarami nating expectations. Mga standards na mataas masyado para maabot ng realidad. Mga bagay na sa panaginip at imagination lang pwede makamit pero ipinipilit sa totoong buhay. Mga bagay na gusto mong makita pero alam mong hindi mo naman makikita. Tapos kapag hindi nameet yung expectations mo, malulungkot ka? Wag ganon!

Actually kinukumbinse ko na rin ang sarili ko na mamulat sa katotohanan. Optimistic akong tao, at lagi kong ineexpect na ang best possible situation ang mangyayari. Masarap kaya sa pakiramdam? Yung alam mong line of 1 ka na sa minor subject niyo na wala kang namiss na quiz kahit isa… tapos 2.25? (Pero marami din kasi akong bagsak na quiz :P) Pero yun nga. Minsan, antaas pa rin ng expectation mo kahit alam mong sasablay, tapos sasama ang loob mo.

expectation

Halimbawa sa pelikula. Malapit na yung Thor 2 ah? Dadagsain na naman yan sa sinehan. Tapos baka after one week puro mga naririnig mo: “Mas maganda yung Thor na una.” Kasi kapag nagandahan ka sa first movie, siyempre iisipin mo na mas maganda yung sequel, pero dahil sobrang taas ng expectation mo, kapag hindi yan naabot, nako madidisappoint ka. Kakambal ng expectation ang comparison, na isa pang bagay na hindi mo dapat ginagawa. Don’t make your expectations too high.

Halimbawa naman sa isang bagay na matagal mo nang inaasam-asam. Ipagpalagay na nating gadget. Ipagpalagay na nating latest model na cellphone from Apple, Samsung, BB o kung ano man. Kunyari 1 year mo nang pinag-iipunan yon (o 1 year mo nang kinukulit ang parents o godparents mo). Sa sobrang tagal mong hinintay yon at sa sobrang excitement mo dahil sa mga expectations mo, malamang nang makuha mo yon, naburot ka na. Ang Iphone na 1 year mong hinintay, pagkahawak mo “Ay. Sana pala nag-ipon na lang ako para sa Iphone 6. Mas maganda daw yung camera tapos may built-in nailcutter pa.” Again, too much expectation causes disappointment.

Halimbawa naman sa relasyon. Kung nageexpect ka masyado ng effort sa partner mo, tapos hindi naman niya maiexpress sa paraan na gusto mo, eh baka magkaubusan kayo ng pasensya niyan? Baka sobrang laki ng mga hinihingi mo sa kanya, kaya yung mga maliliit na bagay na ginagawa niya para sayo, hindi mo na na-aappreciate? Mas maganda kung hinahayaan mo siyang isurprise ka, at wag kang basta umacting, talagang mawindang ka sa mga ginagawa niya para ganahan naman siya na mageffort. Kung appropriate at reachable naman ang mga standards mo, hindi mo lang maiiwasan ang disappointment, mas gaganda pa ang takbo ng relasyon niyo.

Ang style ko ngayon, naging pessimist na ko. Hindi naman todo negatibo, pero yung tama lang para hindi ako masyadong nadidisappoint. Kunyari may lakad. Ang expectation ko na; lahat ng makakagala ko eh late at ako lang ang sakto sa calltime (Time is much more valuable than gold). Kung tama, edi, at least tama ako, gumagaling ang skills ko sa misfortune-telling. Kung mali ako, edi, dapat akong magsaya kasi hindi lang ako ang sakto sa calltime at hindi ako nag-iisa. Oh diba? Win-win situation kahit hindi naman masyado.

Yan ang palagay ko. Ikaw, sa tingin mo ba tama lang na magkaroon ng mataas na expectation ang isang tao? Oh para sayo din ba ay “Less expectations, less disappointments” ?

The following two tabs change content below.

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

Be the First to Comment!

Notify of
avatar
wpDiscuz