Pagkumpara sa Ibang Tao at Gender Confusion

Gender_Confusion_by_MoonlitxReverie

Sabi nila, hindi ibig sabihin na kapag confident ka ay dahil sa tingin mo ikaw ang “pinaka” sa mga taong nasa paligid mo. Masasabi mong confident ka kung sa una pa lang ay hindi mo na ikinukumpara ang sarili mo sa iba.

Pagtuntong ng isang tao sa adolescent stage, dito nagkakaroon ng mga biglaan at grabehang mga pagbabago sa katawan. Hindi ko na kailangan isa-isahin dahil natutunan niyo na yan sa MAPEH at HELE. Dahil sa mga sudden changes na ito ay hindi maiiwasan na nagiging conscious ang mga tao.

Ngayon dahil conscious ka, naikukumpara mo ang sarili mo sa ibang tao. Kung hindi mo naranasang matawag ng pogi, kahit sa jeep, kahit sa pishbolan, kahit saan at kahit kailan, pwedeng humanga at mainggit ka sa ibang lalaking pogi. Pero pwede mong mapagkamalan ang paghanga na ito as attraction, at pwedeng pumasok dito ang gender confusion.

Kung bilang babae na ang pangarap mo ay maging kamukha si Bea Binene, ngunit si Bea Nak-ng-Tokneneng ang nakamukha mo, marahil ay maisip mo na magpakalalaki na lang. Muli, gender confusion.

Tandaan na sa mundo, hindi lang itsura ang pwedeng puhunan. Huwag kang matakot sa pagbabago dahil gusto ng katawan mo na magsurvive, kaya kung may kulang sayo sa aspetong ganito, bawing bawi naman yan sa aspeto mong ganyan. Kapag na-accept mo na ang iyong buong pagkatao, magkakaroon ka na ng matibay na confidence, na mas importante pa kaysa panlabas na anyo.

The following two tabs change content below.
Profile photo of Jerem

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

Be the First to Comment!

Notify of
avatar
wpDiscuz