Sa Pag-intindi sa Babae…

Ano ang iniisip niya? Pwedeng ang first name ni Mr. Bean. Pwedeng kung paano gumawa ng milkshake na walang milk. Pwedeng kung saan ka isasalvage na walang makakakita...
Ano ang iniisip niya? Pwedeng ang first name ni Mr. Bean. Pwedeng kung paano gumawa ng milkshake na walang milk. Pwedeng kung saan ka isasalvage na walang makakakita…

Sigurado ay isa ka rin sa mga kalalakihan na nagugulumihanan sa kung paano nga ba tumatakbo ang utak ng mga babae. Wag kang mag-alala dahil kahit ang mga top scientists ng mundo ay dito lang din nakukulangan sa kaalaman.

Hindi maikakaila na magkaiba ang pag-iisip ng lalaki at ng babae. Merong Female Psychology pero wala namang Male Psychology diba? Bakit nga ba interesado na matutunan ng lalaki ang thought processes ng babae, pero ang mga babae ata ay hindi naman ganun ka-curious.

Madalas akong nag-oobserba sa mga kilos at pananalita ng mga babae pati ang reaksyon nila sa mga bagay-bagay, at kahit isa ay wala pa akong nakitang dalawa na parehong mag-isip. Ang masasabi ko lang, kapag pinilit mong intindihin ang mga ladies ay magiging isang lady ka din. Tanggapin mo na lang na hindi mo sila maiintindihan kung ayaw mong maging beki.

Actually meron na din akong mga nakausap na mga babae na hindi rin ma-gets kung paano mag-isip ang mga kapwa nila babae. Kahit sila mismo sa sarili nila hindi nila alam kung bakit ba nila ginagawa minsan ang isang bagay. Ayos ah parang hindi nila kontrolado ang utak nila. Ewan.

More emotions kasi ang ginagamit ng mga babae, samantalang more logic naman sa lalaki. Pero napatunayan din ng syensya na kapag inilapit ang lalaki sa isang attractive female ay bumababa ang logic at reasoning nito, kahit gaano mo pa itanggi. Nakaprogram tayo na maulol kapag nakakakita ng maganda at sexy.

Ngayong naliwanagan na tayo, gawin na lang natin ang best natin para kahit hindi maintindihan nating mga boys ang mga girls eh at least alam natin na lagi silang may surpresa para sa atin.

The following two tabs change content below.
Profile photo of Jerem

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

2 Comments on "Sa Pag-intindi sa Babae…"

Notify of
avatar
Sort by:   newest | oldest | most voted
Anonymous
Guest

Posible bang ma inlove sayo yung tao kahit mag ka chat lng kayo

wpDiscuz