Show Your Teeth More

Smiling is so great it's used for censorship
Smiling is so great it’s used for censorship

A genuine smile can make people quickly admire you. Andami ko nang narinig na “crush ko siya kasi ang cute cute niya ngumiti may dimples pa,” at mukhang medyo mababaw ang dahilan pero smiling is actually very important. Alam ng mga dentist yan kaya ang presyo ng braces sa ngipin kasing mahal na minsan ng breast implant.

Narinig ko minsan sa radyo na merong studies to prove that women love men who smile. Smiling makes a person look gentle and makes women comfortable to talk with them. Same thing din for men, gusto din nila ng mga palangiti na  babae. Kapag minsan lang mag-smile ang isang babae ay mukha siyang intimidating at chances ay konti lang ang maglalakas-loob na i-approach ang babae na yun.

About sa dimples, sabi ng teacher ko dati may kulang daw na muscle sa mukha eh kaya may ganun. Pero ayon sa nabasa kong libro, dimples signify that a person is fun loving, has a great sense of humor, and sees joy in everything. Hindi naman siguro ito yung tatawa sa gitna ng libing, pero ito yung mga tipo ng tao na mahirap i-depress.

Ang mga tao naman na kita gilagid pag ngumingiti, ibig sabihin daw ang mga tao na to ay magiipon ng magiipon, tapos pag malaki na yung naipon ay biglang igagastos lahat ng isang bagsakan.

If you try faking a smile, most people will notice, especially women. Alam naman natin na mas intuitive ang mga babae kaya mas madali nilang madedetect ang isang fake smile. On the other hand, there are studies (andami kong alam na studies kahit hindi ako mahilig dun ah) na nagsasabing kahit daw peke ang ngiti mo ay iisipin ng utak mo na masaya ka talaga, at ang mangyayari ay sasaya ka talaga. Wag ka lang ngingiti bigla sa harap ng maraming tao na walang dahilan.

On an unrelated note, bakit kapag nagtetext ang isang tao at biglang ngumiti, ang assumption kaagad ng mga nakakita ay si boypren or si gelpren ang katext niya? Well, most of the time tama naman yung hula pero hindi 100% of the time.

Smiling also makes a situation look less serious. Dati sa school sa may laboratory namin, nakaupo ako sa may bakod ng balcony ng lab tapos may nanggulat sakin kaya nalaglag ako. Pagtayo ko nakangiti ako kasi natural reaction ko yun pag nadidisgrasya ako eh, pero akala nung gumulat sakin sinadya ko magpahulog. Pero hindi talaga kasi plant box yung hinulugan ko eh. Eniwey, smiling makes a situation look less serious.

Tip: Ang mga taong katulad kong lampa, ngumiti kayo lagi or tumawa sa sarili niyong katangahan. This means that you accept your mistake and you admit your embarassment, and people perceive these kind of people as a “good guy.” Again there are studies to prove this. May mga volunteers (People A) na pinagkwento tungkol sa most embarassing experiences nila sa buhay, tapos inoobserbahan sila ng ibang participants (People B). Ang mga People A na ngumiti or tumawa habang nagkekwento ay mukha daw mas mabait sabi ng mga People B.

Smiling is an instinct. Wala namang nagturo ngumiti sayo diba? Simula bata ka basta masaya ka autotamic (oh-to-ta-mik) na ngingiti ka. Sa lahat ng bansa sa mundo, sa lahat ng culture, smiling is a sign of happiness. Pero nung panahon ng mga ninuno natin bago tayo maging mga homo sapiens, smiling is a sign of aggression. Wag kang ngingiti sa aso dahil iisipin nila na hostile ka at baka kagatin ka. Sa animal kingdom, ang pagpapakita ng ngipin ay sign of dominance, at dumaan din ang tao sa stage na ganyan.

Smiling kittens ALWAYS generate site traffic
Smiling kittens ALWAYS generate site traffic

Maraming quotes na smile related, at pinapatunayan lang nito na napakaimportante sa tao ng pagngiti. Having the perfect smile can boost a person’s self confidence. Be sure to smile more at makikita mo, dadami ang friends mo.

The following two tabs change content below.
Profile photo of Jerem

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

Be the First to Comment!

Notify of
avatar
wpDiscuz