Silent Cellphone Syndrome

cell-phone-nokia

Naranasan mo na ba na magsend ng isang special text para kay special someone tapos ang special reply lang niya ay isang special ‘k’ or worse ay hindi siya magreply sayo? Pero hindi ka nawawalan ng pag-asa at hinihintay mo lang ang cellphone mo na umilaw at manginig sa kamay mo at nananalangin na SIYA na ang nagtext sayo.

Kapag wala pa rin, maaaring magmukmok ka na lang sa tabi at alalahanin ang mga oras na tinititigan mo siya pero hindi ka niya pinapansin. Nag-eemo ka na at sinasabing “bakit ako pa?!
huhuhu!” Minsan kekwestyunin mo pa ang hangin kung bakit pinanganak ka ng ganyan. Baka kunin mo rin ang gitara mo at tumugtog ng mga senti na kanta. Minsan nagbubukas ka na lang
ng google chrome at mag-iincognito mode.

Minsan kaya ayaw niya magreply sayo ay sobra sobra ka kung magbigay ng signs na gusto mo siya. Kapag ganito ang nangyari ay mararamdaman niya na kontrolado ka niya at siya ang
‘dominant’ o superior sa inyong dalawa at ikaw ang kanyang slave at ang masaklap pa diyan ay kapag nakita ka niya bilang isang ‘toy.’

Basahin ang mga sumusunod na bullets na not necessarily connected sa isa’t isa:

  • Kapag nagtext ka sa kanya at hindi siya nagreply, wag mo siyang I-FLOOD. Nakakainis yun at baka hindi na talaga siya magreply sayo foreva. Lalo na kung hindi naman importante ang gusto mong pag-usapan niyo.
  • Kung first time mong magtetext sa kanya, wag mong asahan na magrereply kaagad siya sa small talk mo. Mas mataas ang chance na magreply siya sa questions about school.
  • Kung pwede, sa kanya mo mismo kunin ang number at wag sa iba. Kapag nagreply siya sa first text mo ng “hu u?” at nagpakilala ka at sinabi mong kinuha mo ang number niya sa isang friend niya, maghihinala kaagad siya tapos lalabas ka pang torpe at mahina. FAIL.
  • Try mong padaanan siya ng GM, at siguraduhin mong GM talaga yun dahil kung GM kuno lang at sa kanya mo lang pala sinend, maghihinala yun kapag nagtanong siya sa friends niya kung nareceive din nila ang GM mo. Kung nagtext siya sayo, PIGILAN ANG SARILI NA MAGREPLY AFTER 1 SECOND HABANG TUMATAMBLING. Magpalipas ka naman ng ilang minutes para hindi niya isipin na hapit ka.
  • Mas maganda kung siya ang una mong mapapatext sayo. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-alok sa kanya ng isang bagay na kailangan niya o gustong gusto niya (tulad ng libro or pirated na movie, o di kaya ay assignment). Kapag nagtext na siya, PIGILAN ANG SARILI NA MAGREPLY AFTER 1 SECOND HABANG TUMATAMBLING. Gumawa ng small talk.
  • Wag na wag magcoconfess ng feelings sa text dahil kapag nailang siya ay maiilang na din siya sa personal. Magconfess ka sa personal at kakausapin ka pa rin niya sa text to confirm kung totoo ba ang pinagsasabi mo at hindi siya maiilang sa text dahil kayong dalawa lang ang nakakaalam ng pinag-uusapan niyo, at dahil hindi niyo nakikita ang pagmumukha ng isa’t isa ay bawas sa tension at pwedeng doon pa kayo madevelop.
  • Kapag magkatext na kayo, iwasang magreply ng nobela para sa isang maikli niyang tanong. Bukod sa nakakatamad magbasa ay maaaring matapos agad ang usapan niyo dahil sinasabi mo na ang lahat. Ayon nga sa batas ng telebisyon: Wag mong ibigay agad ang buong kwento. Magpabitin ka para panoorin pa niya ang susunod na episode.
  • Wag ding magusap tungkol lamang sa iisang topic dahil kapag natapos yun ay maaaring lumabas ang sintomas ng silent cellphone syndrome. Try mong gawing dalawa o tatlo ang topics para maging mas alerto siya dahil andami niyang kailangang pag-isipan ng sagot. I-separate sa isang text per topic para hindi nakakalito. Kapag pinagsama niya sa isang text, ibig sabihin ay hindi siya masyadong interesado or tinatamad siyang magreply or nagtitipid sa load or marami siyang ginagawa or may iba pa siyang kausap bukod sayo.
  • Wag na wag kang magagalit kapag hindi siya nagreply sa text mo lalo na dahil hindi naman kayo. Kasi SINO KA PARA MAGALIT KUNG HINDI NAMAN KAYO? Maging chill sa lahat ng oras.
  • Mag-goodnight lang sa pagtatapos ng conversation kapag nauna siyang bumati. Kung hindi, try mong tapusin sa pamamagitan ng isang interesting topic na next time niyo na lang pag- uusapan dahil antok ka na.

Ang pagtetext ay isang art at isang science na mahirap gawin at masterin lalo na kung si crush ang kausap mo. Kapag friends lang ay hindi ka naman kinakabahan na baka hindi niya type
yung topic at hindi ka naman nalulungkot kapag wala kang natanggap na reply, pero iba ang impact kapag si crush. Dinapuan ka na ba ng Silent Cellphone Syndrome? May sarili ka bang tips
na gustong ishare?

The following two tabs change content below.
Profile photo of Jerem

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

1 Comment on "Silent Cellphone Syndrome"

Notify of
avatar
Sort by:   newest | oldest | most voted
wpDiscuz