To Miss a Person

When do you miss a person?

Kailan mo ba dapat mamimiss ang isang tao? Mamimiss mo ba siya pag hindi mo siya nakakasama? Bakit minsan pag magkasama na kayo namimiss mo pa rin siya? Kailan mo ba dapat mamiss ang isang tao?

Actually mahirap din to sagutin para sakin dahil sobrang madali lang ako madistract, at minsan ang naiisip ko lang ay kung ano ang nakikita ko. Pambaby na pag-iisip: Out of Sight, Out of Mind. Pero during the times that you remember a person out of the blue (Saan kaya galing ang idiom na out of the blue? What’s inside the blue?), senyales na ba ito na namimiss mo siya?

Kapag ba lagi mo na siyang iniisip tsaka mo siya “namimiss?” Tingin ko, mamimiss mo ang isang tao kapag hindi ka niya naiisip, para balance. Hindi ka niya naiisip kaya ikaw ang umiisip sa kaniya. Gutom na ko.

Why do you miss a person?

Kung nabasa mo na yung post ko tungkol sa late appreciation theory, maaaring isang dahilan ay dahil sa lagi mo silang nakakasama. Maging siya man si Bestfriend, si Bebe, si Berto kung sino man siya, ang isang tao na lagi mong nakakasama at enjoy ka sa kanilang company ay siguradong mamimiss mo pag nagkalayo na kayo.

Kung masaya ka kapag kasama mo ang isang tao, namimiss mo siya at gusto mo ulit siyang makasama para sumaya ka ulit. May kinalaman dito ang tinatawag na “Emotional Anchoring,” pero next time na natin tatalakayin yun.

How do you miss a person?

Usually kapag namimiss mo ang isang tao, tatry mong makipagusap either through text, tawag or telepathy. Pag sumagot edi masaya, pag hindi edi lalo mo lang siyang mamimiss. Kapag friends ang namimiss mo, GM ang katapat niyan o di kaya ay magyayaya ka ng gala. Kung special someone naman, GM kuno (pero sa kanya lang talaga sinend) na love quote, or pupuntahan mo na talaga siya para magkasama na kayo.

If for some reason impossible ang communication, imagine to the max na lang ang ginagawa natin. Nag-iimagine ka ng conversations, or iniisip mo kung ano kaya ang ginagawa niya sa mga oras na yun, kumain na ba siya, naglaba na ba siya, gising na ba siya… Hanggang sa maubusan ka na ng iimaginin.

"Inumin Mo Yakult"
“Inumin Mo Yakult”

Yan yung opinions ko. May sarili ka bang sagot about when, why or how you miss a person? Or baka meron kang sariling question?

The following two tabs change content below.
Profile photo of Jerem

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

2 Comments on "To Miss a Person"

Notify of
avatar
Sort by:   newest | oldest | most voted
gitrllie
Guest

pano po ba maaalis ang pag kamis ko sa isang tao

wpDiscuz