Where are we going? *clap clap clap*

Export to PDF | Export to DOC

Isa sa mga favorite kong tanong yan.

Taong bahay lang ako. Sanay ako na nakakulong sa kwarto kasama ang aking used and abused laptop. Marami kasi akong pwedeng gawin dito sa bahay kaya kung hindi naman kelangan eh hindi na ko lumalabas. Pero kung ang pupuntahan ay isang lugar na maganda at hindi ko pa nakikita, kahit nasa kalagitnaan ako ng magandang pelikula ay magreready na ako para gumala.

When I was still very small and very cute, hindi ako lumalabas ng bahay, kaya ngayong medyo matanda na, gusto kong makapunta sa lahat ng lugar na pwede at kaya kong puntahan. Gusto ko magtravel around the world! Pag mayaman na ko pupunta ako ng Japan, Hollywood, France, Spain, at kung saan saan pang napanuod ko sa movies. Bago yun checheckin ko muna ang Palawan, Boracay, Baguio, at marami pang tourist spots dito sa Pinas. Medyo mahirap nga lang para sakin magisa kasi sobrang dali ko maligaw (kasi nga sanay ako na nasa bahay lang kaya wala akong sense of direction). Siguro yung mga hindi mo nakuha nung bata ay pipilitin mong magawa pagtanda mo ano? Sa ibang article ieelaborate ko yan. Sa ngayon nagiisip pa ko ng magandang title para sa theory ko eh hehehe.

Eniwey dahil wala pa rin naman akong masyadong pera for travelling ngayon, kuntento na muna ko sa pagsight seeing sa mga pelikula at games. About sa video games na yan, kaya ako nahilig dahil para na rin akong nakakapunta sa ibang lugar at nakakameet ng ibang tao tulad sa mga MMO. Ikekwento ko na lang din to sa ibang post para hindi masyadong off-topic.

Sa ngayon ang pinakamalayo kong napuntahan ay Enchanted Kingdom. Medyo hindi ko nga naenjoy dahil sa sobrang hahaba ng pile eh, kaya sure na babalik ako dun. Ang nakakalungkot lang sa ngayon eh wala akong camera na pampicture sa mga lugar na ginagalaan ko. Yung camera kasi ng sempon ko kung magrecord parang may censorship sa sobrang labo eh. Dibale pag nakapagipon na ko ng pambili, makakapagpicture na din ako ng mga sights na pupuntahan ko. I love travelling, at someday malilibot ko ang buong mundo (sana nga abutan ko pa yung space travelling para pati ibang planeta mapuntahan ko eh hahaha).

The following two tabs change content below.

Jerem

Jeremiah is a Broadcasting graduate with a passion for Journalism. His goal is to experience as many things as possible so his children and grandchildren will always have stories to hear before bedtime. In his free time, he watches movies, pawns n00bs, learns Japanese, and other trivial stuff.

Leave a Reply

Be the First to Comment!

Notify of
avatar
wpDiscuz